Negosyong Madaling Pagkakitaan Para sa Beginner 2019| 3 Simpleng Paraan for OFW

Negosyong madaling pagkakitaan

Negosyong madaling pagkakitaan? Mayroon kaya niyon?

Yun kayang kaya kahit na beginner pa?

Yun hindi mo kailangan maglabas ng malaking kapital. 

Parang sa panaginip lang nangyayari yun no? 

Pero sa panahon at technology ngayon kayang kaya na talaga. 

Hindi mo na kailangan magpatayo ng store or maghire agad ng employees.

Kaya it’s a good time to start a business.

Sa post na ito, isashare ko sayo yun 3 negosyong madaling pagkakitaan para sa beginner.

Ready ka na?

Negosyo # 1 Become a blogger

Season 3 Blogger GIF by Silicon Valley - Find & Share on GIPHY

Mayroon ka bang passion or hilig sa isang topic?

Biking, 
Pagalaga ng hayop, 
Mahilig sa environment
Mahilig sa kotse
Matinding sports fan 

etc. 

Sa pagkakaroon ng blog, pwedeng pwede mo gawin profitable yan passion mo. 

Pwede ka magshare ng mga opinyon mo or tips regarding sa topic na gusto mo.

May mga ibang tao rin na interested sa mga topic na gusto mo at willing basahin kung ano yun maitutulong or maituturo mo sa kanila. 

Let’s say mahilig ka sa aso at alam mo yun tamang diet ng mga aso para maging healthy.

May ibang pet owners hindi alam yun, kaya pupunta sila sa blog mo para mabasa yun. 

Once magkaroon ka ng mga viewers sa blog mo, 

Pwede mo ito lagyan ng mga advertisement mula kay Google.

Everytime na makikita ng viewers mo yun ads, babayaran ka ni Google

Galing diba? Nagawa mong profitable ang hilig mo. 

Kapag busy ka or naghahanap ka ng negosyong madaling pagkakitaan,

Pwedeng pwede ka magstart bilang blogger.

Sinabi ko na madali ito dahil kumpara sa ibang negosyo. 

Hindi mo kailangan magpatayo ng tindahan, maghire ng mga employees at magregister sa umpisa. 

Kailangan lang ay ishare mo lang ang hilig mo at ipakita sa mga interesado.

Yun best part pa. Libre lang magkaroon ng blog. 

Kaya pwedeng pwede ka na magsimula. 

Kung interesado ka maging blogger. 

May ginawa akong training video at ituturo ko sayo step by step kung paano ka makakagawa ng blog. 

Ready na ba maging blogger?

Ito ang first na pwede gawin kapag hinahanap mo ay negosyong madaling pagkakitaan 

Negosyo # 2: Ecommerce 

May pangarap ka ba magkaroon ng sarili mong store na parang department store?

What if pwede ka magstart ng store business pero hindi kailangan ng malaking puhunan sa umpisa. 

Yun pwede ka na agad magbenta para bumalik agad ang pinangpuhunan mo. 

Magandang idea yun diba?

Yun ang pagsisimula ng Ecommerce store. 

Hindi mo kailangan magpatayo agad ng isang physical store at maghire ng employees. 

Ang kailangan mo lang ay magsetup ka ng isang online store at maghanap ng mga suppliers ng produkto. 

Once nakahanap ka ng suppliers, ilalagay mo sa online store mo ang produkto at kapag nakabenta ka. 

Doon mo magagawang kumita. 

Galing diba? 

Actually isang magandang example ay shopee at lazada. 

Imagine may sarili kang negosyo sa internet parang Shopee at Lazada. 

Paano ba magstart sa Ecommerce?

Pwede mo sundan ang steps na ito. 

Step # 1: Create an Online Store

Shopify Negosyong madaling pagkakitaan

Mostly paid softwares talaga ang pagkakaroon ng Online store, 

Pero yun maganda sa Shopify.com , pwede ka magstart ng free trial. 

Click here to go to Shopify.com

Step # 2: Find a product to promote,

led light negosyo

Pwede ka pumunta sa Shopee, Lazada or Alibaba at ichat yun mga suppliers doon kung pwede makipagpartner sa kanila. 

In short, ilalagay mo lang yun produkto nila sa store mo para tulungan sila ibenta ito. 

Ibig sabihin direcho ka na sa supplier para kayong dalawa na lang ang maguusap.

or pwede mo rin bilhin ng mura tapos ibenta mo ng mas mahal.

Para kang nagtayo ng physical store pero online lang.

Sa example na iyan, may ibang ecommerce store nabebenta nila ng 200php yan mobile phone light item.

Kailangan makapili ka ng something unique na hindi pa nakikita ng mga kababayan natin.

Pili ka lang na sa tingin mong interested kang ibenta or sa tingin mong magiging mabenta. 

Step # 3: Promote your Product

Pwede mo na yan ipromote sa social media, blogs or online advertisement. 

fb ad negosyo

Once na may bumili sa mga promotions mo doon mo magagawang kumita sa store mo. 

Ang tindi diba?

Meron ka na agad negosyo overnight,

Hindi mo na kailangan magpagawa ng store or magpatayo ng tindahan.

Hindi mo rin kailangan gumawa ng sarili mong produkto dahil iba na ang gagawa niyon. 

Kailangan mo lang ay online store at ipromote yun sa social media. 

Kung gusto mo ng mas detalyadong explanation. 

Pwede mo panoorin itong step by step training na isa sa pinaka magaling na Ecommerce expert dito sa Pilipinas. 

https://www.youtube.com/watch?v=Fea8m9ulZE0

Para malaman pa kung paano ginagawa ang Ecommerce, 

Pwede ka magsimula by clicking get started below

Negosyong Madaling Pagkakitaan

Kung hanap mo ay hindi masyado malaking puhunan na negosyo at yun hindi mo kailangan maghintay ng matagal para kumita. 

Ang Ecommerce ay isang negosyong madaling pagkakitaan

Make sure lang na palagi ka parin nag-aaral sa business mo araw-araw. 

Negosyo parin yan e. 

Kaya kailangan mo itreat ang business mo as a real Business.

# 3 Become an Ebook Author

Pwede rin natin masabi na negosyong madaling pagkakitaan ito.

Marunong ka ba magtype at gumawa ng word document?

Pag oo ang sagot mo, pwedeng pwede ka na maging Ebook Author. 

Basically ang gagawin mo lang dito, 

Magtype ka ng topic na sa tingin mo marami ang magiging interested. 

Mostly ang mga high profit na ebooks ay nandito sa mga topics na ito

Love and Dating
Business
How To’s
Fitness
Novels

Pero kung may iba ka rin topics na sa tingin mong maraming may interest. 

So paano mo ito gagawin?

Pwede mo sundan itong steps na ito

Step # 1 Buksan ang Microsoft Word

step 1 madaling pagkakitaan

Step # 2: Itype ang Topic at content mo. 

Pwede mo sundan yun format na nasa ibaba. 

step 2 negosyong pagkakitaan

Step # 3: Click Save as

step 3 madaling pagkakitaan

Step # 4: Piliin mo yun Save as PDF

step 4 negosyong madaling pagkakitaan

Step # 5: Congrats may Ebook ka na. 🙂

step 5 pdf para sa ofw

Ngayon may ebook ka na, kailangan mo na lang ng marketplace kung saan mo siya pwede ibenta. 

May dalawang site ako na pwede irecommend sayo at ito rin ginagamit ng mga nainterview ko dito sa Ebook Business. 

Mayroon Local at Foreign. 

Website # 1  E-Junkie.com (Foreign)  

ejunkie ebook beginners

Pwede mo ilagay ang ebook mo jan para maooffer mo sa iba’t ibang platform. 

Pwede mo sundan yun step by step instructions nila by clicking the link below

Click here how to sell in Ebook Junkie

Website # 2 Openmind.ph (Local) FREE

Pag gusto mo naman ay local market marerecommend ko sayo itong platform na ito. 

openmind marketplace ebook

Ang Openmind.ph ay isang local marketplace kung saan pwede mo iupload ang course mo pati ang ebooks mo. 

Yun maganda sa Openmind. Libre lang ilagay ang course mo dito basta maapprove ka lang sa qualifications nila. 

Click here to go to Openmind.ph

Maraming negosyante ay nagsimula sa pagbebenta ng ebook bago sila gumawa ng mga negosyo nila. 

Ilan kilalang entrepreneurs ay sila

Bo Sanchez
Chinkee Tan
Anik Singal
Grant Cardone

Masasabi din natin na negosyong madaling pagkakitaan din ang pagsimula sa ebook dahil.

Hindi mo kailangan dumaan sa publishers. 
Hindi mo rin kailangan magpaprint ng maraming papel. 

Most ng mga sites na makikita mo na nagpupublish ng ebook ay libre lang. 
Kailangan lang ng effort at oras mo para mag-iisip ng topic. 

O diba kumpara sa physical book business. 

Hindi mo pa naproproduce yun book mo, possible ubos na agad ang puhunan mo. 

Kung gusto mo ng video version para masundan mo step by step

Pwede mo panoorin itong training na ito on How To Create an Ebook

Ayos! marami ka ba natutunan sa training post natin?

Ito yun 3 negosyong madaling pagkakitaan para sa beginners. 

May mga katanungan ka ba? Itweet mo lang sakin sa @mondtabaque

O kaya icomment mo jan sa baba para mapagusapan natin. 

Ilike mo din ang Facebook page para makatanggap ka ng mga future updates everytime na magpopost ako ng bagong tips and trainings. 

Click here to visit the Facebook page. 

Kung interested ka rin sa mga training pagdating sa negosyo. 

Click mo lang ang link na ito. 

Till Next Post ulit

Always keep on learning and take massive action. 

Raymond Tabaque
#raymondtabaque #negosyongmadalingpagkakitaan #negosyo

Usap Tayo Dito

avatar
  Subscribe  
Notify of
error

Learned a lot? Share and Follow below For More.