Facebook Ads gamit Cellphone? pwede na ba yun?
Ang Sagot, YES!
Pwedeng pwede na sa panahon ngayon.
Sundan mo lang yun tutorial ko dito sa video na hinanda ko para sayo.
What if kung mahina internet mo?
May hinanda din akong step by step picture tutorial para masundan mo.
Maganda ito kapag mobile lang ang meron ka.
Mas okay ito kapag OFW ka,
Alam naman natin na hirap talaga magkaroon ng computer jan.
Pero sa matututunan mo sa post na ito,
Makakagawa ka ng Facebook ads gamit lang ang mobile or cellphone mo.
As in sundan mo lang yun steps na ituturo ko sayo.
Ang galing diba? 🙂
Ano lang ang kailangan para makapagsimula ka?
Ito ang mga requirements
- Mobile phone or Cellphone
- Internet Connection
- Facebook ads Manager App
Don’t worry Libre lang yun app.
So ready ka na Gumawa ng Facebook ads sa cellphone?
Paano ang magiging steps? Ieexplain ko sayo.
Step # 1 Search “Facebook ads app” in Google PlayStore or App Store.

Step # 2: Open the “Facebook adverts app and Tap Create Ad sa Ilalim

Step # 3: Piliin mo kung ano gusto mong objective ng Facebook ads.

Sa example na ito magpapaclick tayo papunta sa website natin.
Step # 4: Pili ka ng image sa cellphone mo na gagawin natin add.

Step # 5: Create a Headline and Description of your Facebook advertisement

May ilang tips ako dito
Sa Headline = Dapat attention grabbing siya. (Questions or Curiosity based)
Sa Primary Text = Direct Benefit na mapapala nila kapag pinindot ads mo.
Step # 6 Put the link of your website and choose a call to action button.

Tips in choosing call to action button
Shop now: Kapag may binebenta ka na agad
Book now: Kapat nagooffer ka ng tickets or eventsLearn more: Magbibigay ka ng something Free
Step # 7 Tap Placements and Choose a platform


Choose Manual
Device Type: Desktop and Mobile
Platforms Remove everything except Facebook
Step # 8 Tap Create New Audience

Step # 9 Pili ka ng bansa or location kung saan mo gusto magads.

Sa Philippines tayo mag advertisement dito sa example.
Step # 10 Scroll down ka at piliin Interests

Step # 11: Piliin mo ang Interests na Tutugma sa Target Customers mo

Pipiliin natin ay Marketing sa targeting sample na ito.
Step # 12: Double check kung tama yun piniling targeting at kung okay na itap ang arrow sa upper right

Step # 13 Set a Budget kung magkano ang willing gastusin

Tip : Start With 200php para sa testing budget mo
Step # 14: Set a Starting Schedule para sa Fb ads mo.

Important: Lagi 12midnight sa susunod na araw ang piliin para mamaximize mo ang performance ng Facebook ads mo.
Step # 15: Itap ang upper right na arrow para makapagproceed

Step # 16: Idouble check mo ang advertisement na ginawa mo at kapag okay na click Place Order

Step # 17: Kapag naapprove na ang ads mo, magiging “Active” ang status. Pag nasa checking stage pa, “In Review” ang magiging status

Maghintay ka ng 24 – 48 hours para maapprove ang advertisement mo.
Make sure to follow these steps para makagawa ka ng Facebook ads sa Mobile phone
Make sure to take action sa natutunan mo.
Kung may mga katanungan ka sa paggawa Facebook ads gamit cellphone
Itweet mo lang ang question mo sa @mondtabaque
O kaya icomment mo jan sa baba para mapagusapan natin.
Ilike mo din yun Facebook page natin para maging updated ka sa mga new blogposts and trainings.
Click here to like the Facebook page
Kung gusto mo pa matutunan ng detailed ang Facebook ads.
Sundan mo lang ang Free Facebook ads training series na hinandan ko para sayo.
Click here para makapagsimula sa training.
See you next post and Keep on learning,
– Raymond Tabaque
#raymondtabaque #facebookadssacellphone #facebookadsgamitcellphone
Usap Tayo Dito